top of page

"TINGNAN MO NGA YANG SARILI MO?!"

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Jan 22, 2025
  • 3 min read

Updated: Jan 27, 2025

(Mga salitang dati'y nakakapanakit ngayon ay nakakapagpahilom)


Yan kadalasan ang mga salitang naririnig ko kay nanay tuwing nakikita nya ang aking suot na hindi "pasado" sa kanyang paningin. No, hindi dahil may mantsa ito o may punit. Ito ay dahil sa kadahilanang ayaw nya nya lang ng istilo nito, o ng kulay o dahil natatakot syang mapahiya kapag nakita ako ng ibang tao.


Madalas ko ding naririnig to nung bata ako kapag ipinapakita ko yung sarili ko sa mga galaw o kilos na para sa kanya, masyadong magaslaw, o kaya naman kung sa ingles, masyadong "expressive" o "flamboyant". Ito rin yung mga salitang ginagamit nya kung gusto nya akong manatili na lamang sa bahay kaysa sumama sa ibang mga bata. Hindi ko rin nga alam kung bakit ayaw nya akong payagan. Baka ayaw nya lang gumastos, o ayaw nya lang mapuyat kakahintay sa akin pauwi. Valid man yung mga rason nya pero napapatanong lang ako minsan: Diba ang nanay nagsasakripisyo? Diba ang nanay kahit papano handa ring mapuyat? Pero ang nanatiling dahilan marahil ay baka nahihiya sya sa akin. Nahihiya sa itsura ko kaya ayaw nyang makita ako ng iba dahil magiging repleksyon yun sa kanya.


Kaya siguro rin sa aking pagtanda, eto ako. Sobrang laking effort para sa akin ang makapag-socialize. Sobrang takot ako na makakilala ng bagong tao. May mga pagkakataon pa rin na kapag may tao sa harap ko, iisipin ko, "Nababaduyan ba sya sakin?" "Napapangitan ba sya sakin?" "Kapag ba nagpatawa ako sasabihan ba nya kong OA" Kumbaga, bago pa nya akong husgahan, unahan ko na para kalag dumating yung oras na marinig ko yun sa kanya, at least hindi na masakit dba? Hindi na ako ganyan mag-isip lagi, mga latak na lang.. mga latak ng pagkakaroon ng "SHAME-BASED PERSONALITY".


Pero alam nyo, ito man ang sitwasyon, hindi naman pwede na habambuhay ko sisihin si nanay sa sakit na ito. Kailangan humantong ako sa desisyon at reyalidad na andito na ko. Ako na may hawak ng buhay ko. Responsibilidad ko na kung hahayaan ko pa rin ang sarili ko na magpakalunod sa sakit o piliin na gumalaw at magpatuloy. Mahirap man tanggapin pero kailangan eh. Kailangan kong maunawaan na hindi perpekto si nanay. Tao rin sya, nasaktan rin sya, tumatanda na rin. As much as hinihingi ng puso ko na makarinig sa kanya ang mga salitang "Sorry , anak." Pipilitin ko na lang tingnan kung ano ang meron NGAYON. Kahit may mga minsang tampo, kahit minsan nasasaktan pa rin ako sa mga salita nya, kukulitin ko pa rin sya. Magpapatawa pa rin sa harap nya at iisipin na kaya nya lang din nagasabi yun dahil yun lang din yung alam nyang paraan ng pagpapalaki ng isang bata.


Kaya isang paraan na rin ng paghilom na gagawin ko ay ang sinasabi nilang "CHANGING THE NARRATIVE" na-i-blog ko na rin to noon. Ang ibigsabihin lang nito ay minsan may mga l masasakit na salita tayong nakamulatan na tumatak sa isipin natin na hindi nating namalayan naging identity na rin natin. Unconsciously, naging parte na rin ito ng sistema natin at later on, nagiging mitsa ito ng masamang epekto sa relationships natin sa iba. Kaya imbis na ulit-ulit mo yung nakasanayang salita na yun na masakit, i-turn mo sya into encouraging, something powerful, someting positive. At iyon yung ulit-ulitin mong sabihin sa sarili mo.


Kaya yung palaging sinasabi sakin ni nanay noon na "TINGNAN MO NGA YANG SARILI MO?!"


dinadagdagan ko na...


"Neon, tingnan mo nga yang sarili mo...

Mas MATATAG ka na..

Mas ALAM MO NA..

Mas KINAKAYA MO NA..

Mas MATAPANG ka na..


At alam ko ikaw rin. 😍




Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page