top of page

"SEEK"

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Jun 23, 2019
  • 1 min read

Sakto ang theme ng Lovelife Retreat sa aking situation ngayon. Sa panahon na pagbalik ko kay Lord, ay unti-unti ko syang nakikilala. Yung tipong ang alam mo lang ay ganito lang ang Kanyang pagmamahal, pero yun pala MAS malaki pa pala ang kayang Nyang ibigay. Sa nakalipas na 2 taon, eto ang isa sa mga mensahe na nangingibabaw saken.. "Neon, hindi mo kailagan maging perfect." For the longest time, I please people and trying to be that "holy" one sa iba para lang di mawalan ng kasama o kaibigan. Minsan pa nga ganun din ako kay Lord. Na parang gumagawa ako ng ways para mapasaya sya at konting pagkakamali lang ay sobrang na-gguilty ako. Pero nung narinig ko yung mensahe Nyang yun. Napaiyak na lang ako.. Para sa isang bata na hindi "ginusto" ng kanyang mga magulang at lumaki sa di nya totoong pamilya. Sobrang nakaka-overwhelm ang pakiramdam na may Diyos na magsasabi nun saken. Imagine, A God who loves me just by being me, will tell me those words?

Related Posts

Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page