"PAGLAYA"
- NeonLights

- Jun 12, 2019
- 1 min read
Updated: Aug 26, 2019
Ngayong araw na ito ay selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng ating bansa. Kalayaan mula sa pananakop ng mga dayuhan, kalayaan mula sa giyera ng nakaraan. Sa panahon ngayon, marami tayong maaaring maging kahulugan sa salitang Kalayaan o Paglaya.
Para sa akin, isa sa ibigsabihin ng salitang MALAYA ay ang pagiging malaya sa sugat ng nakaraan. Ito man ay mula sa sakit na pilit mo nang kinalimutan o bangungungot na pilit mo nang tinatakasan.
Sa buhay, may mga tao tayong nakikilala na marahil ay nakapanakit na sa atin. Madalas sila pa yung mga taong pinaka pinagkakatiwalaan natin ng sobra-sobra na di tayo sasaktan. Ngunit kapag tayo ay nasaktan, ano ang iyong ginagawa?
Pilit ba nating KINUKULONG ang ating mga sarili sa sakit ng nakalipas o hinahayaan na nating PALAYAIN ang bakas ng nagdaan sa pamamagitan ng susi ng KAPATAWARAN?
Naniniwala ako na tayo ay magiging totoong malaya kapag natutunan nating magpatawad ng buo. Na hindi tayo nagtuturuan kung sino ang nagkasala. Na hindi nating hinihintay pa na mauna muna humingi ng kapatawaran ang taong nakasakit sa atin.
Kapatid, sa araw na ito. Sa PAGLAYA ng Pilipinas sa mga mananakop ay maging MALAYA ka na rin sana sa mga taong nakagawa sa iyo ng masama. Hindi mo man mababalikan ang nakaraan, mababago mo naman ang iyong kinabukasan.





Comments