top of page

"Love You To The Stars And Back" [2017]

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Sep 1, 2017
  • 3 min read

Updated: Oct 6, 2025

Film

Julia Barretto, Joshua Garcia Written & Directed by: Antoinette Jadaone

Star Cinema ==========

RATING: ⭐⭐ / 5

==========

WARNING: SPOILERS!

==========










Dalawang tao na may kanyang-kanyang misyon ang pinagtagpo ng tadhana sa pelikulang ito. Si Mika, na ang nais ay sumama sa "aliens" para makasama ang kanyang yumaong ina samantalang si Caloy na ang nais makita ang ama na nang-iwan sa kanya.

Sa kanilang pagtatagpo, isang unti-unti nilang nadiskubre na sa kabila ng kanilang pagiging "makasarili" at kani-kanilang pinagdadaanan, makikita nila ang halaga ng mga tao sa kanilang paligid at ang pagmamahal na natagpuan at isa't-isa.

Sa totoo lang, hindi ako fan nang mga love teams. Kathniel, Jadine or Lizquen etc. Kahit nga ang unang pelikulang pinagsamahan nina Julia at Joshua na Vince & Kath & James ay di ko pinanuod.


Pero ano ang nag-udyok sakin na manuod ng pelikulang ito ay dahil sa mga sumusunod:

  1. Mula sa mahusay na pagganap ni Joshua Garcia bilang Z (or Zosimo) sa teleseryeng The Greatest Love, ay agad kong napansin na kayang nyang umarte. Hindi lamang yung "pabebeng" acting, kundi alam mo na kapag nahasa pa sya ay magiging malalim pa ang kaynang ipakita sa tao. Hindi din makakaila ang magandang rehisto nya sa kamera at ang emosyon nya na makatotohanan ito man ay masaya, malungkot o nagpapaka-cute sa kapareha nya.


  2. Mula sa mahusay na pagganap ni Julia Barretto sa MMK episode nito na kasama din si Joshua ay unti-unting napatunayan ni Julia na kaya din nyang sumunod sa yapak ng kanyang ina at mga tita sa mundo ng pag-artista.

Kaya bago ko panuorin tong pelikulang ito, sabi ko sa sarili ko na ito siguro yung "test" kung kaya ba talaga nila magpakita ng lalim sa pag-arte. At hindi ako na-disappoint.

Kung tutuusin, cliche ang storya, marahil masasabi mo na napakita na ang ganitong uri ng plot sa ibang pelikula local man or international. Pero dahil sa galing ng dalawa, madadala ka talaga. (Mas naiyak pa nga ako dito kaysa sa Kita Kita eh.)

Para sa akin, yung eksena nila sa tulay at yung huling part sa movie, yung eksena sa kusina yung pinaka-paboritio kong sandali sa pelikula dahil dun mas naipakita yung lalim ng karakter nilang dalawa.

Si Mika, na pagkatapos mawalan ng ina - na nakahanap ng bagong pagmamahal ay ayaw na muling maiwan ulit. Sa sandaling sumusuko na ang kanyang kanyang bagong pag-ibig sa buhay, susuko na rin ba sya at tuluyan nang magpapakuha sa aliens?

Si Caloy, na sa kabila ng positibong karakter ay makikita ay kanyang ka-walang pakialam sa buhay nya. Na sya pala ang unang bibitaw.

Gusto ko lang din sabihin na hindi ko talaga maialis sa isip ko na may mga moments na nakikita ko si Claudine at John Lloyd sa movie. Yung parang may mga nuances sila na "Uy, nagawa ni Claudine yan ah." or "Yes, parang John Lloyd lang ah?" Although parang unfair kasi syempre, iba naman sila Julia at Joshua at dapat lang ma-establish nila yung sarili nilang identity.

Sa kabilang dako naman, may mga times na nag OA silang dalawa. Pero forgivable naman. May mga times naman na alam mo na computer yung ilang wide shots. Pero siguro dahil na rin para sa safety ng mga artista kaya yun ginawa.

For me, hindi sya typical na romance movie. Na magkakakilala yung mga bida tapos sa umpisa magkakainisan, magkaka-inloveban, tapos sasampal yung katotohanan, tapos magiging sila sa huli. Infairness naman, may lalim yung kwento. And to think na lahat ng challenges ng karakter nila ay pinagdadaanan ng ganung edad nila, kahit papano, makiki-sympatize ka sa kanila.

Oo, mainstream movie sya. Oo cliche ang story. Pero ang tanong, worth it ba? Ang sagot, Oo. Worth it sya. Dahil maganda ang pagka-akting nila. Dahil maganda ang pagka-direk nito. Maihahanay ba ito sa Kita Kita o 100 Tula Para Kay Stella? Hindi. Dahil alam ko na may maiimprove pa sila sa acting department. Pero kahit ganun, alam ko na si Joshua at Julia pag pinag-igihan pa nila ang workshop and everything, sila yung magiging "next big thing" sa showbiz.



Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page