top of page

"The Shack" [2017]

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Sep 23, 2019
  • 1 min read

Updated: Oct 6, 2025

Film

Sam Worthington, Octavia Spencer and

Tim McGraw

Written by: John Fusco, Andrew Lanham, Destin Daniel Cretton

Directed by: Stuart Hazeldine

Lionsgate

==========

RATING: ⭐⭐⭐⭐/ 5

==========

NO SPOILERS

==========





This is by far one of the best inspirational movie that I watched. Sobrang nakaka-inspire at ang dami ko talagang natutunan dito. Masasabi ko na isa ito sa mga pelikula na talagang naka-inspire at nakatulong na malagpasan ang depression ko.


Ang nagustuhan ko dito ay kahit na may mga nabanggit silang mga linya sa Bibliya ito namam ay mga linyang pamoso at nakakaalam ng karamihan. Sa madaling salita, wala masyadong malalim na theological words kaya di ka malilito.


Malinis ang narrative. Nakatuon lang ang kwento sa conflict ng bida. Yun ay yung hustisya para sa kanyang anak na later on, mag-uugat sa paghingi nya ng kapatawaran sa kanyang mapang-abusong ama.


Naluha ako. Napatigil. At kahit papano, ni-re-asses ko yung sarili kong faith sa Diyos. Kung pano nga ba mag move-on. Kung pano ang sariling kalungkutan ay magiging sanhi ng negatibong epekto sa iba. At kung pano ang simpleng pagpapatawad ay magiging daan sa paghilom at pagbangon.


Highly recommended! 🤗





Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page