"100 Tula Para Kay Stella" [2017]
- NeonLights

- Aug 16, 2017
- 1 min read
Updated: Oct 6, 2025

Film
JC Santos, Bela Padilla Written & Directed by:
Jason Paul Laxamana
Viva Films
==========
RATING: ⭐⭐⭐/ 5
==========
NO SPOILERS
==========
Makatotohanan. Yan ang isa sa mga salitang pwede kong masabi sa pelikulang ito. Para sa akin, totoo ang bawat linya at napaniwala ako sa bawat eksena ng mga bida. Kung tutuusin, simple lang naman ang kwento nya. Pero kung titingnang mabuti, isa syang paglalakbay ng isang tao tungo sa isang pausbong na pagibig.
Sa umpisa, parang maguguluhan ka sa mga naging desisyon ni Stella. Bakit nya ginawa yun, etc. Pero sa huli, malalaman mo kung baket. At para naman kay Fidel, maaari mong matanong sa sarili mo kung bakit pa sya bumabalik kay Stella pagkatapos ng lahat. Ngunit kung iyong uunawain, makikita mo na sya lamang ay isang tao na nagmamahal at handang magsakripisyo.
Gusto ko din bigyan ng pagkilala yung mga gumanap na estudyante sa pelikula. Magaling din yung pinakita nilang talento sa pag-arte.
Sa kabilang banda naman, meron ding mga eksena na ayos din kung pinaikli na lang habang ang iba ay pangdagdag lamang sa pelikula. Sana din mas maayos yung pagkaka-edit. (para sakin lamang po)
Sa huli, masasabi ko na isa sa pinakamasakit na pagibig ay yung pagibig na hindi sinasabi. Haay.. Hindi man ako lumuha sa pelikulang ito, pero grabe ang sakit ng pelikulang ito..
JC Santos at Bela Padilla, galing lang talaga..

!["100 Awit Para Kay Stella" [2025]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_2bf9d94c77d04b1db25c787bdf938af8~mv2.png/v1/fill/w_980,h_1386,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_2bf9d94c77d04b1db25c787bdf938af8~mv2.png)
!["Love You To The Stars And Back" [2017]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_cd21dca45e29459ca1dfda2afc3f456b~mv2.jpg/v1/fill/w_720,h_1040,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_cd21dca45e29459ca1dfda2afc3f456b~mv2.jpg)
!["Bar Boys" [2017]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_f3127c8a809645bf895adf2c61b2449d~mv2.jpg/v1/fill/w_708,h_911,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_f3127c8a809645bf895adf2c61b2449d~mv2.jpg)
Comments