top of page

"INNER DEMONS"

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Jun 28, 2019
  • 2 min read

MY NAME IS NEON. AND THIS IS MY INNER DEMON.


Masaya ang panahon. Lahat ng nangyayari, ay ayon sa iyong plano. Madaming blessing. Ok ka naman. And then it hits you... May nakita kang isang magaling na tao. Hinahangaan. Tinitingala. Wala naman syang ginagawa sayo. But then, these voices came.


"Masaya ka nga ba talaga?"

"Buti pa sya nakatulong"

"Eh ikaw, kelan ka may natulungan?"

"Hanggang dyan ka na lang"

"HINDI KA NA NILA KAILANGAN!"

"It's better na sila-sila na lang"

"Mas magiging masaya sila pag wala ka."

"Hindi ka kasi kasing attractive tulad ng iba"


Ito yung mga salita na paulit-ulit na nag-re-replay sa utak ko. Ito yung mga salita na gusto ko nang kalimutan pero parati paring andyan. These were the words... And these were my inner demons.


Alam ko naman na ang cycle. Alam ko naman na ang simula at kung san patutunguan...


Happiness turns to Comparing

Comparing turns to Insecurities

Insecurities turns to Sadness

Sadness turns to Unworthiness

Unworthiness turns to Depression.


People say na...

"edi wag mong i-compare yung sarili mo sa iba"

"basta magpasalamat ka na lang sa meron ka"

"pag-ppray ka na lang namin"


I'm nothing against those advice.. In fact, nakakatulong naman din sya. Pero minsan, sa katulad naming prone sa depression, (and i mean lagi) kadalasan di naman yan yung gusto naming marinig.


May mga tao na ang gusto ay malaman na may nag-aalala sa min. Na "belong" sila. Na hindi sila iiwanan. Na di sila paaasahin sa mga mabubulaklak na mga salita.. Na andyan lang sila...


Eto yung mga din yung mga tao na kadalasan, nakaranas ng sobrang pagkukumpara sa iba.


"Kesyo hindi ka katulad ni.."

"Bat di mo gayahin si..."

"Sana naging si... Ka na lang"


Like me.


I've been hurt, rejected, emotionally abandoned, compared to and push around so many times. By my so-called "friends" and my family...


I've been called so many names...


"Bakla!" (for not being man enough)

"Panget!" (for not being attractive enough)

"Baluga!" (for having dark skin)

"Walang mararating sa buhay!" (for not earning fast enough)

"Baboy!" (for not being fit enough)

"TANGA!" (for not being smart enough)


And the result is this... A person who is

Weak.

Pretentious.

Self-depricating.

People-pleaser.

Ang laki ng TRUST Issues.

At lumalayo ako sa mga tao na nagpapakita ng LOVE saken kasi iniisip ko lahat sila may HIDDEN AGENDA.


Lahat ng tao pakiramdam ko HINDI TOTOO.

At napipilitan lang pakisamahan ako dahil naaawa lang sila..


And then people around me would often think na kailangan nila ng special attention lagi.. Kailangan i-baby..


And you know what? That is ABSOLUTELY NOT THE CASE!


What I need?

True ACCEPTANCE.

True UNDERSTANDING.

Real People who always remind them that they are IMPORTANT AND LOVE.


May mga tao pa bang ganun?

May mga tao pa ba na mag s-stay?

Kasi ako, di ko alam.

Related Posts

Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page