"APOY" pt.2
- NeonLights

- Jun 12, 2019
- 2 min read
Sa isang iglap, lahat ng pangarap ko na umabante sa aking career life ay biglang nawala. Kahit alam kong may mga senyales na mangyayari to, masasabi ko na nagpakamataas pa ko at sinabi na "huh, di ako maaapektuhan nito". Hanggang isang araw.. Nahuli ko na lamang ang sarili ko na nakatingin sa isang papel na may nakasulat na.. "We no longer needed your service". Nagpakita ako ng tapang sa aking mga kasamahan. Pinalabas ko na di ako naapektuhan. Na kaya kong masolusyunan ito agad agad. Na kaya ko mag-isa. Ngunit wala ding nagawa ang PRIDE ko. Nakalipas ang ilang araw, linggo at buwan. Eto ako naghihintay parin na baka sakaling matawagan ng mga ina-applyan ko. Maraming mga pagkakataon na akala ko eto na.. Pero di pa pala... Ilang beses ako umasa, pero nabigo. At sa pagkakataong ito, unti-unti ko nang napapagtanto na di ko to kaya mag-isa. Minsan napag isip-isip ko.. "Lord, eto pa ba joke mo sa akin? Dahil ba sa lagi kong sinasabi na wala akong time.. Eh tinaggalan mo talaga ako ng trabaho para magka-time ako sayo?" "Ay, ang galing naman!" (sarcastic tone). Ngunit habamg tumatagal, mas lalo kong na-re-realize.. Na siguro nga, eto ang paraan nya para tuluyan na akong bumalik sa Kanya. Sa aking palagay, eto ang ginawa Nya sakin dahil alam Nya na nakalimutan ko na Sya. Oo, "di-nisturb" ako ni Lord. Binulabog Nya ang maayos kong buhay. Para malaman ko na at the end of the day, Sya parin dapat ang mas importante kaysa sa kung ano pa man. At bilang pagtugon, eto ako at bumalik sa umpisa. Unti-unti ko hinahanap ang dating Neon, ang Neon na may APOY at buong lakas binubuhos ang tiwala sa Diyos.. Ang tao na nagbibigay ng oras parin sa Kanya sa kabila ng ingay ng mundo. Hindi man agad agad, pero handa na akong magsimula muli. Handa ulit na mas makilala Sya, at hayaan na mahalin Nya ako ulit. Di ko alam kung kelan masasagot ang aking panalangin. Di ko alam kung hanggang kelan ako maghihintay. Pero patuloy parin ako magtitiwala na ibibigay Nya ito sa Kanyang itinakdang oras at panahon. 😊





Comments