top of page

"APOY" pt.1

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Jun 12, 2019
  • 2 min read

I've been with our community for 8 years now. Nung una, masaya, ang dami kong nakikilala. Ang dami mong gustong gawin... Super serve ako sa mga ministry nung mga panahon na yun. Yung tipong pag weekends, ang dami kong iniikutang Feasts... From BGC (sat) to ORTIGAS, VALLE hanggang MARIKINA. Iba yung nararamdaman kong "high" lalo nat nakilala ko ang isang Diyos ng mas malalim pa. Ngunit sa paglipas ng panahon, sa paglisan ng aking mga nakasama, nakita ko na lamang ang sarili ko na unti-unti na akong nawalan ng apoy sa puso. Umalis sa service, at may mga pagkakataon na ilang buwan akong di na uma-attend ng Feast. Oo, inaamin ko nag backslide ako sa faith. Nalulong sa kasalanan na di ko matakas takasan. Na-depress... Nawalan ng karamay. At this point, eto yung mga pagkakataon na naging maayos ang aking career. Pinaglaanan ko ng oras ang aking trabaho.. Well.. Sobra kong pinaglaanan ng oras to the point na inaabot ako ng 4am sa work! (7-4pm ang shift ko). Sabi ko sa sarili ko.. Everything goes smoothly... I'm unstoppable! Eto na yung career growth na hinahanap ko! Don't get me wrong, may mga pagkakataon na umaattend parin ako ng Feast... Pero umaattend ako para lang masabi na umattend ako. Nawalan na ako ng gana mag-worship. Yung preaching, pasok sa tenga labas sa kabila. May mga pagkakataon din na sasabihin ko sa sarili ko na "ok this Sunday, babalik na talaga ako sa Kanya (Lord)" pero laging di ko tinutuloy... Kapag sinasabihan ako ng mga iba ko pang kaibigan sa Feast, "uy attend ka sa ganito," o "uy sama ka mag-serve sa ganito" lagi kong sinasabi na wala akong time o busy ako o madalas, gumagawa na lang ng dahilan para di makapunta. Parang niloloko ko na rin sila at ang Diyos sa mga pinagsasabi ko. Dahil na rin sa feeling ko "unworthy" na ko sa Kanya, dahil feeling ko "niloloko" ko na lang Sya, at dahil lunod na sa kasalanan, di na ko umasa pa sa sarili ko. Di na ako naniwala na babalik pa ang dating "Neon" na all out sa pag worship at pag serve... Kaya nag desisyon ako na mas bigyan ko ng importansya ang trabaho ko, dahil at least malaki ang kinikita ko. Wala akong magiging problema.. Pero lahat ng ito nagbago.. Sa isang kurap... Sa isang bagsak.. [to be continued...]

Related Posts

Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page