#012 - Buti Na Lang
- NeonLights

- Feb 15, 2021
- 1 min read

Ang halaga mo ay hindi nakadepende sa hirap mo.
Hindi nakabase sa kung ano man ang pinagdadaanan mo.
Kaya mo to.
Malalagpasan mo ulit ito.
Makakilos ka ulit.
Makakabangon.
Makakalipad na muli.
Sa kabila ng lahat ng nararamdaman mo,
Sa lahat ng mga bagay na hindi mo naiintindihan.
O nauunawan.
Hayaan mo lang. Huwag mong ipilit.
Patuloy na kumapit.
Patuloy na lumapit.
Ipagpatuloy ang nasimulan, dahil hindi pa ito ang iyong katapusan.
May makakakita sayo.
May makakaintindi.
Mga taong patuloy na susuporta.
Maniniwala.
Mag-titiyaga.
Bawat tao, may labang hinaharap.
Hindi man nila makita ang sarili mong laban,
Meron at meron pa ding makakaalam.
May makakapansin.
At uunawa.
May kinabukasang naghihintay sayo.
Isang bukas na punong-puno ng pag-asa.
Isang liwanag at panibagong pagkakataon.
Isang bukas na kung saan malalaman mo ang dahilan ng iyong pinagdadaanan.
At kapag nakarating ka na doon
Masasabi mong "Buti na Lang"
Hindi ko to sinukuan.




Comments