top of page

#010 - Chaser

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Feb 12, 2021
  • 1 min read

Updated: Aug 18, 2025


Isang tagay para sa mga pusong nasaktan.

Sa mga pusong iniwan, binalewala at hindi na babalikan.

Hayaang pawiin ng alak ang sakit na nararamdaman.

Kahit panandalian.

Kahit ngayong gabi lang.


Ibuhos na ang boteng ubod ng lamig.

Katulad ng aking pusong nawalan na ng init.

Mahaba pa naman ang gabi.

Nag-uumpisa pa lang ang party!


Sa apat na salita kami nag-umpisa.

Sa apat na salita din pala kami magwawakas.

Magmula sa "Mahal kita, walang iba"

Hanggang sa, "Mas mahal ko sya"


Kaya samahan mo ko. Tara, inom tayo.

Konting joke naman dyan, okey pa naman ako.

Ilabas mo na yung pulutan, wala ng hiya-hiya dyan!


Simulan na ang walwalan,

Kantahang abot hanggang sa lalamunan.

Tapos inom pa. Sige pa,

At least ngayon alam ko na.

Hindi pala chaser ang inuuna sa alak, sarili pala muna.


Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page