top of page

#009 - Bugso

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Aug 23, 2020
  • 1 min read

Hayaang pawiin ng ulan ang sakit na nararamdaman. Muling paagusin ang lungkot na hindi naisisiwalat sa kung kanino man. Sa bawat kulog na naririnig, Sa bawat kidlat na nangangalit, Ay isang napakalakas na pagbulong, Mga bagay na matagal ng itinatago at ikinukulong.


Maraming katanungang patuloy na bumabagabag, Mga kasagutang mailap pa rin sa kasalukuyan. Hanggang kailan ba dapat magtanong? O dapat na bang sumuko habang may pagkakataon?


Marami mang bagay na wala pa ring kasiguraduhan, Kahit hindi na alam kung itutuloy pa ang pakikipaglaban. Piliin parin ang bumangon, piliin parin ang umasa,

Kahit ikaw na lamang at walang makakasama.


Lilipas ang ulan, Matatapos din ang bagyo. Muling ngingiti ang araw,

Masdan mo at ito ay iyong matatanaw.


Liliwanag ang paligid,

Makakalaya kang muli.

Makakaungos ka at makakaahon

At ikaw ang makakapagsabi kung kailan ang tamang panahon.

May mga bagay man na hindi na manunumbalik. Subukang magsimula ulit. Huwag kang bibitaw, ikaw ay manabik.

Kakayanin mo pa, kaya manatiling nakakapit.

Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page