top of page

#007 - Katahimikan

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Apr 12, 2020
  • 1 min read

Sa sandaling makawala ako sa aking kinalalagyan. Marami nang mag-iiba sa nakagisnan. Ang dating tunog na umuugong sa madla. Mananahimik na upang maging payapa. Sa bawat salita na ibinubukambibig, Sa bawat letrang binabanggit ng mga labi. Mga mata ay nakasara, mga tenga ay nakapikit. Wala ka nang magagawa kahit na ikaw ay lumapit. Hindi na masisilayan ang mga parinig Pati na ang mga palaisipan, 'di na muling mapapaisip. Makakakalas na sa mga kamay na nakakapit. Hindi na magpapahila, wala nang mabibitbit. Sa aking pananahimik, ako ay umaasa Na kahit sandali, nakapagbigay parin ng halaga. Nakapagbahagi ng saya, nakadamay sa iba. Ang mga tawa at tagumpay na mananatili sa alaala. Sa aking patuloy na paglayag at pakikipagsapalaran, Umaasang may bagong mga mukhang matatagpuan. Bagong kuwento, bagong paglalakbay. Bagong leksyon na magpapatibay. Sa panibagong kabanata na aking bubuksan, Ako ay nasasabik sa bagong matututunan. Mga bagong lugar na hindi pa napupuntahan, At mga sopresang nais matuklasan. Sa lahat nang pagmamahal na iyong pinaramdam, Ako ay nagpapasalamat ng lubusan. Hindi man ito ang inaasahan, Sana hindi pa ito ang katapusan.

Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page