#002 - Darating Ang Araw
- NeonLights

- Jan 14, 2020
- 1 min read
Updated: Apr 13, 2020

Darating ang araw, hindi mo na madarama ang sakit na iyong nararanasan.
Ang sakit ng puso sa iyong pag-iisa.
Darating ang araw, makakapagsimula kang muli na iba na ang iyong makakasama,
at ang dating ngiti at saya ay muli nang makikita.
Darating ang araw na ang gabi-gabing pagluha ay mapapalitan ng panibagong simula sa piling ng iba.
Mahirap sa umpisa ngunit tandaan mo, malakas ka.
Kaya't konting tiis pa.
Konting kapit pa.
Darating ang araw, ang ingay nang mundo ay unti-unti nang mananahimik.
Wala nang salita, wala nang mga pangungusap na mamumutawi.
Hindi man nila yun mapansin, hindi man nila yun maitindihan, ang mahalaga bumangon ka nang muli palayo sa kanila.
Darating ang araw, maiitindihan mo din ang lahat.
Na ang minsang samahan ay hindi pangmatagalan.
Na ang minsang nagpasaya sa'yo ay hanggang dito na lamang.
Pano nga ba mamahalin ang pag-iisa kung ang kailangan mo ay kaibigang hahanapin ka? Tatanungin kung andyan ka pa ba?
Oo masakit, Oo mahirap, pero kailangan..
Kailangan mo nang lumisan...
Kailangan mo nang magpaalam...
Kailangan mo nang ihinto ang laban...
Kailangan mo nang tanggapin ang katotohanan...
Kailangan mo na itong lagpasan.
At sana sa iyong paglisan, pagpaalam, paghinto ng laban at pagtanggap ng katotohanan, ay bumalik sana sayo ang pagmamahal na iyong ibinibigay.
Hindi man perpekto ngunit tunay at totoo.




Comments