top of page

"We Are The Reason" - Avalon

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Oct 26, 2019
  • 2 min read

Updated: Sep 8, 2025

We were the reason that He gave His life We were the reason that He suffered and died.

To a world that was lost, He gave all He could give.

To show us the reason to live

Kapag lumaki ka talaga sa isang tahanan na wala kang nakukuhang atensyon at emotional support, most of the time you will grow up always needing attention to others. Kadalasan, magiging people-pleaser ka and its difficult for you to say "NO" to people kasi ayaw mo silang ma-disappoint sayo. Kaya kahit ikaw na nagmumukang tanga o nahihirapan, balewala sayo kasi ang goal mo lahat ng tao dapat magustuhan ka. Kapag may tao na biglang nag-iba ang pakitungo sayo, kahit subtle lang, guguho ka. Kasi wala kang matibay na foundation. Noong nakilala ko si Lord, akala ko magiging ok na ko. Na in an instant, hindi na ko magiging ganito. Pero dumarating talaga yung time na pati si Lord, kailangan ko na ring i-please. Yung bang you're being too hard on yourself na gumawa ng mabuti kasi feeling mo pag di mo nagawa yun, di ka Nya mamahalin. Kaya patuloy ka pa ring mag-seek ng attention sa iba. Na parang hindi pa enough yung love na nakukuha mo kay Lord. And yes, yun yung nararamdaman ko. May mga tao kasi sa paligid na parang nagbago na saken. Nag-ssmile sila pero ramdam mo na hindi na nilang gustong ma-associate sayo. Pero habang pinagdadaanan ko ito ngayon, naalala ko itong kantang to na pinatugtog nung retreat namin 12 years ago. And as I meditate, bumalik nanaman yung sinabi ng isang preacher sa Feast. Nakapag-feeling mo hindi pa sapat yung love sayo ni Lord. Kapag kinukwestyon mo pa yung love nya, tingnan mo si Jesus na nakapako sa krus at isipin mong eto ang sinasabi nya... "Neon, are you still doubting my love for you? Look at me. ISN'T THIS ENOUGH? If not, tell me. Tell me what should I do. So I can do it just to prove to you. That I LOVE YOU.." And that my friend is our GOD, and His unconditional love.



Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page