"Third World Romance" [2023]
- NeonLights

- Dec 15, 2025
- 1 min read
(Para sa mga walang wala na. Para sa mga taong nagpapagaan ng bigat ng kupal na mundong 'to. Para sa ating lahat.)

Film
Carlo Aquino, Charlie Dizon,
Ana Abad Santos, Gardo Versoza
Written by: Jericho Aguado, Dwein Baltazar
Directed by: Dwein Baltazar
Black Sheep, ANIMA
==========
RATING: ⭐⭐⭐ / 5
==========
NO SPOILERS
==========
BUOD:
Isang prangkang kahera at isang kalmadong bagger ang naglalakbay sa kani-kanilang paraan tungo sa kaligayahan sa kabila ng hamon ng buhay bilang manggagawang may simpleng hanapbuhay sa isang mundo na kung saan lahat ay pinaghihirapan.
RAW. RELATABLE. SIMPLICITY AT ITS FINEST.
Ganyan ko mailalarawan ang THIRD WORLD ROMANCE. Mula sa pag-arte, paglalarawan at paglalahad ng kwento, madali syang intindihin ngunit hindi ka bibitaw sa kaganapan. Nagustuhan ko sa pelikulang ito ay napaka-natural lang ng conflict na naipakita. Walang third party, walang matapobreng biyenan, lahat ng mga bagong magkasintahan ay paniguradong maisasalamin kila VIN at BREE ang kanilang mga sarili.
Bilang audience ng pelikulang ito, nakita ko ang sarili ko sa dalawang karakter na ito. Si Bree na di papayag na itrato ng di tama ng mga nakakaangat sa kanya sa opisina at kay VIN na mas pinipili ang di magpaka-stress sa mga hamon na kinakaharap nya.
Yung pagka-natural ng istorya nya ay maihahalintulad ko SECOND CHANCE ni POPOY at BASHA. Parehong may pangarap, parehong kinakaya ang hamon ng buhay, parehong kailangang mamili sa kung ano ang mas mahalaga.
Kahit di ako sang-ayon sa pagpapatigil ng MTRCB na ipalabas ang teaser ng pelikulang ito dahil sa pagmumura ng karakter, maging daan sana ito para mapukaw ang interes ng mga manunuod.
Worth to watch. May lalim.

!["My Love Will Make You Disappear" [2025]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_33bfbcbe9d44469a9858cba6757bdab4~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_1228,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_33bfbcbe9d44469a9858cba6757bdab4~mv2.jpg)
!["Ex Ex Lovers" [2025]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_bfd41b3463894a009446d75d8fbfea8e~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_1452,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_bfd41b3463894a009446d75d8fbfea8e~mv2.jpg)
!["Un/Happy For You" [2024]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_b334541cf75d4aff9576f5792fbb62ca~mv2.jpg/v1/fill/w_623,h_900,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_b334541cf75d4aff9576f5792fbb62ca~mv2.jpg)
Comments