"LIPSTICK"
- NeonLights

- Aug 31, 2019
- 1 min read
Tahimik ngunit naka-postura.
Naka-wheelchair ngunit independent.
Yan ang ilan sa mga salita na una mong mapapansin kapag nakita mo si Lola Annie.
Hindi man sya ganun kasalita tulad sa ibang mga matatanda, ang isang ka-tangi tangi kong nakita sa kanya ay kanyang napaka among ngiti.
Sa lahat ng mga lola na aming nakapiling, sya lamang ang naka blush-on at naka-lipstick. Sa modernong biruan, sya yung lola na "fresh" parin na parang walang iniindang sakit sa paa na dahilan ng kanyang pagkaupo sa wheelchair.
Hindi ko man nalaman ang kanyang buong kwento sa kadahilanang gahol kami sa oras, alam ko na marami na rin syang naranasang sakit at hirap, lungkot at maaaring pangungulila. Ngunit kahit ganun man, nananatili syang naka-ngiti sa buong maghapon kaming magkasama.
Ngiti na nagpapaalala na habang maaga pa, bigyan natin ng pagpapahalaga ang ating mga lolo at lola. Ngiti na nagpapaalala na darating din tayo sa edad nila. Ngiti na nagsasabi na patuloy nating kunin ang bawat oportunidad na dumadating sa buhay natin upang balang araw wala tayong panghihinayang.
At Ngiti, na nagpapakita satin na maikli lamang ang panahon natin sa mundo kaya patuloy tayong magmahal at bumangon sa kabila ng lahat.
(Advance Happy Birthday Lola! Golden year ka na sa December... Makikita si Lola Annie at iba pang mga lolo at lola sa KANLUNGAN NI MARIA sa Antipolo.)





Comments