top of page

"KWEK-KWEK"

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Dec 1, 2023
  • 1 min read

(posted 7.8.2022)


Pauwi ako galing opisina nang nag-desisyon ako na huminto sa may simbahan upang alamin kung andun pa rin yung binibilhan ko ng kwek-kwek at ng iba't ibang klaseng 'street foods'


Napaisip ako.. ano na kaya ang kalagayan nila? Naaalala ko pa non, dito pa ako tumatambay kapag inabot na ng gabi sa klase.. Ang dami ko na ring kwento ang narinig dito, mula sa ibang bumibili at pati na rin sa tindera mismo.


Dito ko rin nakasalamuha ang ilan sa mga tindera na nagbahagi ng kanilang saya at lungkot sa buhay. Kahit papano naramdaman ko ang saya at panghihinayang nila sa bawat pagkakataong sumusulyap ako sa kanilang mga mata.


At sa bawat kwentong yon, mas napapaalaala sa akin na marami man akong inaalala, marami man akong "sana" mas pinipili ko pa ring magpasalamat sa natatanggap na biyaya.


Di ko man natanong kung andun pa rin yung dating tinderang yun, hiling ko lang na sana makita ko pa syang muli.





Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page