top of page

John 13:38 NIV

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Jun 20, 2019
  • 1 min read

Updated: Sep 19, 2019

Then Jesus answered, “Will you really lay down your life for me? Very truly I tell you, before the rooster crows, you will disown me three times!

Sobrang tinamaan ako sa verse na to. As I read this, bigla kong naisip na si Lord since Diyos sya alam na nya lahat ng mangyayari sa atin right?. So dun sa mga times sa past na nag wo-worship ako sa kanya, dun sa mga times na sinasabi ko na "Lord, babalik na ko sayo, magiging mabuti na kong tao. Magbabago na ko..." alam na ni Lord na magkakasala ulit ako. Alam na nya na darating ang panahon na iiwanan ko ulit sya.. Na mas lalayo ako sa kanya pero ano ginawa Nya?


HINDI PARIN SYA NANG-IWAN! Minahal parin Nya ako, binigyan pa Nya ko ng blessings. Naging patient pa Sya sakin. Kahit alam nya na ta-trayduhin ko Sya, eto at MINAMAHAL PARIN NYA AKO!


Naniniwala parin Sya na kaya kong lagpasan lahat ng pagsubok. Nagtitiwala parin sya na kaya "Naku, eto si Neon.. Nagkamali lang to pero mabait to.. Tingnan mo, babalik to sakin. Ma-re-realize parin Nya na mahal ko sya."


So nung na gets ko to, parang LORD, ANO BA?! Hindi ko na maintindihan ang pagmamahal mo... Sobra sobra ka Nang magmahal saken!


Salamat lang ng sobra Lord.. Hindi ko man masuklian ang laki ng pagmamahal Mo, tuturuan ko na lang ang sarili ko na mas mahalin pa ang ibang tao..




Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page