top of page

"Isang Himala" [2024]

  • Writer: NeonLights
    NeonLights
  • Dec 27, 2024
  • 2 min read

Updated: Dec 15, 2025

Film

Aicelle Santos, Bituin Escalante, David Ezra,

Kakki Teodoro, Neomi Gonzales

Written by: Ricky Lee, Pepe Diokno

Directed by: Pepe Diokno

Kapitol Films, Unitel Pictures

==========

RATING: ⭐⭐⭐/ 5

==========

NO SPOILERS

==========



BUOD:

Si Elsa, isang simpleng babae mula sa isang liblib na baryo, ay naging simbolo ng pag-asa at kontrobersiya nang matapos makarinig ng isang banal na tawag mula sa panahon ng eklipse, paniwalang nagtataglay siya ng kapangyarihang magpagaling. Dahil dito, ang kanyang nayon ay naging sentro ng peregrinasyon at yumanig sa pananampalataya, relasyon ng mga tao sa bawat isa, at sa paniniwala ng lahat ng nasa paligid niya.



Maayos naipakita ang mensahe ng pelikulang ito. Puno ito ng simbolismo na sumasalamin sa pagiging panatiko ng mga Pilipino sa mga bagay na pang ispriritwal. Pinapakita rin dito kung pano ang nagagawa sa isang tao kapag nakasaksi ito ng isang himala. Paano nga ba tutugon sa mga ganitong bagay? Gagamitin ba natin itong daan upang tayo ay maging mabuti sa kapwa o magiging instrumento lamang ito ng ating pagiging ganid?


Nailahad naman ng mahusay ang kwento, para sa akin, tama lang ang haba na ginugol nito sa sinehan. Pagdating naman sa kantahan, akma ang bawat kantang ginamit at masasabi kong hindi ito yung basta maipasok lamang. Maayos ang paglipat ng mga karakter mula sa pagdadayalogo papunta sa pag-awit at vice versa. Bilang isang tagahanga ng mga musikal na tema sa mga pelikula, nagustuhan ko ang bawat eksena dito lalo na kung paano ako dinala sa bawat paglalakbay ng mga karakter. Wala akong naramdamang pagkainip sa kwento dahil kaabang-abang ang bawat pinagmulan ng mga tauhan.


Maliban sa nakakahangang nilang pag ganap, isa ring marahil sa kinaiba ng pelikulang ito ay kung paano nila naipakita ang kapaligiran ng bayan ng Cupang sa pamamagitan ng biswal na representasyon. Para kang nanonood sa isang diorama na pakiwari mong ikaw ay nandoon mismo sa loob ng mundo nila. Dahil na rin sa ganitong “setup”, madali para sa mga tao sa likod ng kamera na isaayos ang ilaw at kung paano ito ilaapat sa bawat karakter kapag sila na ang sentro ng eksena.


Magaling si Aicelle Santos bilang Elsa, ngunit para sa akin, mas umangat sina Kakki Teodoro bilang “Nimia” at Neomi Gonzales na si "Chayong". Sa kalalakihan naman, mahusay si Vic Robinson bilang “Pilo” sa pagbitaw ng mga linya at si David Ezra naman bilang "Orly" ay angat sa pagkanta. Sa kabilang banda, nakulangan naman ako kay Bituin Escalante bilang "Aling Saling" at Sweet Tiongson bilang "Mrs. Alba". Hindi ko masyadong naramdaman yung lalim ng kanilang karakter kaya hindi rin ako masyadong nakakapit sa kanila.


Kabisadong-kabisado na natin sa ating isipan ang pamosong linyang “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat!” Ngunit kung iisiping mabuti, ito ba ay tunay nating pinaniniwalaan o tulad ng mga tao sa bayan ng Cupang, maghihintay na lamang ba tayo ng isang himala? Lagi sana nating aalalahanin na bawat segundo ng ating buhay ay isang himala. Mula sa paggising sa umaga, hanggang sa pagtatapos ng gabi. Ang himala ay dumarating sa atin sa iba’t-ibang hugis at anyo. Malaki, maliit, matagal man itong pinagdasal o dumating ng hindi inaasahan. Pagkatandaan na laging may himala. Ngunit ang tanong, paano mo ito gagamitin?




Comments


 Subscribe to future posts

©2019 by Neonsreflection. Proudly created with Wix.com

  • facebook
  • Instagram
bottom of page