"Ang Manananggal Sa Unit 23B" [2017]
- NeonLights

- Aug 20, 2017
- 2 min read
Updated: Oct 6, 2025

Film
Martin del Rosario, Ryza Cenon
Written by: Jenilee Chuaunsu, Prime Cruz
Directed by: Prime Cruz
The Idea First Company
==========
RATING: ⭐/ 5
==========
WARNING: SPOILERS
==========
Kakaiba ang plot ng pelikulang ito dahil ito ay tumutuon sa isang pag-iibigan nang isang manananggal at sa isang tao. Sa gitna ng misteryo ni Jewel ay nagtatago ang isang lihim na pagtingin kay Nico na galing naman sa isang naunsyaming relasyon.
Hahayaan ba ni Jewel na makasama si Nico kahit alam nya na may posibilidad na masaktan nya ito o lalayo sya upang iligtas sya sa sarili nya?
Sa totoo lang, maganda ang premise ng pelikulang ito. Dahil nga Dark Romance ang genre nito, medyo malaki ang expectation ko sa movie na to dahil hindi lamang drama or pag-iibigan ang tema ng pelikula. Sa totoo lang, pwede syang ihanay sa pelikula noon ni Julia Montes at Gerald Anderson na "Halik Sa Hangin". Ngunit sa kabuuan, na-disappoint ako.
Unahin ko muna ang good points ng pelikula. Maganda ang effects na ginamit sa transformation ni Jewel. Parang totoo nga na manananggal sya. Isa pa rito ay ang pagganap ni Vangie Labanan bilang lola ni Nico sa pelikula. Nakakatuwa sya at yung mga ginagawa nya at linya nya ay halos kasing tulad ng isang lola na marahil ay narinig mo na sa iyong mga kaibigan.
Sa kabilang dako naman, nasayangan lang ako dahil ok na sana ang kwento at plot ng istorya ngunit maraming "lapses" akong napansin (ito ay base lamang sa aking pakiwari, kanya-kanya parin tayo ng opinyon):
Para sa akin, nakulangan ako sa "lalim" ng karakter ni Nico at Jewel. Hindi naipalabas sa pelikula kung saang galing si Nico, kung ano ang pinagdaanan nya, paano sya napadpad sa apartment na kanyang tinitirhan, ano ang trabaho nya sa boxing gym etc.
Kay Jewel naman, hindi rin na-establish bakit sya naging manananggal. Kung ito ba ay sumpa, o pinanganak na ba syang ganun, kung bakit sya lang ang nasa apartment o bakit sya nahilig sa pag-aalaga ng pagong.
Hindi masyadong naipakita kung ano ang dahilan o nag-udyok sa kanila kung bakit sila nahulog sa isa't isa. Di ko maintindihan dahil sa umpisa humahanga sya kay Jewel, sa susunod naman, pinagdududahan nya ito. Tapos sa huli mahal nya ulit, parang di ko sya ma-gets.
Popular sa indie film ang tinatawag na "silent acting" ito yung mga eksena na walang linya ang mga tauhan ngunit makikita mo yung nais nilang ipahiwatig gamit lamang ang ekspresyon ng kanilang mukha. Subalit, naramdaman ko na tila nasobrahan naman ang pelikulang ito sa ganung mga sandali na mapapasabi ka na, "So, ano na?" "Yun na yon?" Na parang nangyari na lang ang lahat ng ganun-ganun lang.
Ilan pa sa mga simpleng tanong ko sa pelikulang ito na hinihingi ko ng kasagutan ay tulad nang:
"Saan galing ang langis na ginagamit ni Jewel?"
"Ano ang simbolismo ng pagong sa kwento?"
"Kahit nagsama si Nico at Jewel sa huli, ano ang "closure" or assurance ko na hindi masasaktan ni Jewel si Nico?"
"Parang ang bilis maka-move on ni Nico sa nangyari sa kanyang lola?"
Hindi ako against sa mga artista, direktor ng pelikulang ito pero alam ko na may MAS-maiimprove pa to.

!["Isolated" [2025]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_306abc089bf348bf819074150e5b3e99~mv2.jpeg/v1/fill/w_455,h_674,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_306abc089bf348bf819074150e5b3e99~mv2.jpeg)
!["Espantaho" [2024]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_a4f91391f4184787857d59b9a14556c6~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_1447,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_a4f91391f4184787857d59b9a14556c6~mv2.jpg)
!["Marita" [2023]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_23432dc01e5540f28b6eb596b90b927f~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_1225,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_23432dc01e5540f28b6eb596b90b927f~mv2.jpg)
Comments