Si Joy ay patuloy na nakikipagbuno sa mga alaala at sugat ng kanyang nabigong relasyon kay Ced — ang kanyang matalik na kaibigan, unang pag-ibig, at dating asawa na kung saan ay nasa proseso pa ng annulment. Ang pinakamalaking pagmamahal niya ngayon ay para sa kanilang anak na si SC, isang masayahin at hopeless romantic. Kaya’t nang mag-propose si Joey, nobyo ni SC, sa harap mismo ni Joy, determinado siyang pigilan ang engagement nilang dalawa.