Cityscape Café [Review]
- NeonLights

- Mar 9, 2024
- 2 min read
Updated: Sep 5, 2025
Angono, Rizal
(March 9, 2024)
RATING: ❤️❤️❤️❤️/5
==========
==========
🏢DESIGN
Pagpunta pa lang sa café, ang ganda agad ng bungad sayo.. Structure wise, nagustuhan ko yung layers and angles ng mismong building. I don't know pero yung bawat "kanto" nung cafe parang naging mas malaki syang tingnan mula sa baba which added to its majestic appearance.
Pag-akyat mo sa 1st level, mapapansin mo agad na may mga table sila na iba-iba ng shape at ng kulay.. same sa mga upuan. Nagustuhan ko yung "randomness" nung mga tables and chairs.
Pagdating sa 2nd floor na covered area, ako lang mag-isa andun and na-appreciate ko yung pagiging spacious nya.. may sink pa dun sa mga gustong maghugas ng kamay and mga chairs sa balcony kaya kahit saang part ka ng 2nd floor nakaupo, may view ka paring makikita..
Pero syempre iba parin pagdating sa rooftop.. GRABE! The high chairs and the fact na makikita mong sobrang na maximize nila yung space kahit maliit lang yung area, marami pa ring seating for customers to occupy. And the 360-degree view is out of this world talaga. Para kang nasa taas ng bundok! Tapos ang view mo mga bahay tapos body of water tapos yung araw! THE SUNSET IS GIVING!
(Words can't expressed the beauty of the place talaga.. kaya check nyo na lang yung pictures!)
😋 TASTE
When it comes to food, honestly, medyo pricey sya. Which is reasonable given yung location at yung laki ng building na need nilang i-maintain. Marami din silang choices ng food from pasta, to rice meals, beer, pulutan, fruit juices, at syempre different types ng kape..
As for my order, (again, I bought their signature latte) I must say, much better sya compare dun sa una kong cafe na binista. Hindi man sya yung ineexpect kong lasa but still pwede na! Dun naman sa order kong Fish and Tofu (worth 300+ ) maliit yung serving nya for the price. Medyo nanghinayang ako sa presyo.
🧭 LOCATION
Maliban sa nabanggit kong CONS kanina, I think the downside lang din dito is wala masyadong nadaan na sasakyan. Kaya mahirap kung mag ccommute ka, mahihirapan ka.. no choice kung hindi mag grab ka or tricycle (na by the way siningil ako ng 200!) Ang steep ng pag-akyat at nung sinubukan kong lakaring pababa, need mong maging extra careful dahil kapag nawalan ka ng balance, gugulong ka talaga.. the gravity is giving eh.. haha..
💸 PRICE & SERVICE
Their customer service...I can say na medyo below average.. Their not accommodating and need mo pang sabihan para i-assist ka. Walang initiative kumbaga. I was waiting for my order for almost 30 minutes! At kung hindi ko pa nilapitan yung counter, hindi nila malalaman na sa maling customer nila naibigay yung order ko! Pero di naman nila entirely fault dahil ito namang customer tinanggap naman yung order ko kahit hindi naman yun yung inorder nila. Apologetic naman sila so ok naman. But communication still needs to improve.
📋CONCLUSION
Pero yun, they just need to improve their communication but if you ask me IF WILL I GO BACK AGAIN? YES! Basta may sasakyan.. Despite the CONS, I can say na worth it pa rin syang puntahan.. try nyo!
==========














![Typica Coffee [Review]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_490443645b1348079b4dd61b7f087398~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_1741,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_490443645b1348079b4dd61b7f087398~mv2.jpg)
![Số Một Vietnamese Cuisine [Review]](https://static.wixstatic.com/media/5b6fd3_a83cc379f80149dfa40740a8979611f3~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_680,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/5b6fd3_a83cc379f80149dfa40740a8979611f3~mv2.jpg)
Comments